Chapter 4
Chapter 4
NAIBABA ni Austin ang hawak na wineglass nang sa pag-angat niya ng mukha ay masilayan ang
kapapasok pa lang na dalaga sa Italian restaurant kung saan siya kasalukuyang kumakain nang
gabing iyon. Kaagad na kumabog ang dibdib niya. God, he had missed that face.
Ngayong wala nang bakas ng kalasingan sa anyo ng estranghera ay mas lalo itong nagmukhang
kaakit-akit. Puting bestida ang suot nito na umabot lang hanggang kalahati ng mga hita. Nakalugay
lang ang kulot-kulot na buhok nito. Katulad ng dati ay hubad sa makeup ang mukha pero lutang na
lutang pa rin ang angking ganda. She looked so sure of herself as she walked in. Her confidence only
made her even sexier.
Sandaling iginala ni Austin ang tingin sa paligid. Katulad niya ay halata rin ang pagkamangha ng mga
kalalakihang kumakain doon na nakatutok ang mga mata sa kapapasok lang na dalaga. Sa kauna-
unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kung anong selos. Now that he had seen the woman
again, he became a hundred percent sure that he liked the woman for his self only, dahilan kung bakit
ilang araw na siyang parang sirang nagpapabalik-balik sa bar kung saan sila unang nagkita, umaasang
mapapadaam ito roon pero madalas ay bigo siyang makita man lang ang dalaga.
Now that he had a taste of her lips, he realized that he had missed her lips as well. He had yearned to
kiss them for days now. Ilang gabi na siyang walang matinong tulog sa kaiisip sa dalaga at kung
magpapatumpik-tumpik pa siya ay hindi malabong maunahan siya ng iba.
Mabilis na tumayo si Austin nang papadaan sa mesa niya ang dalaga. Ngumiti siya rito pero umawang
ang bibig niya nang lagpasan lang siya nito. Nang makabawi ay hinabol niya ito at pinigilan sa braso.
Kunot naman ang noong nilingon siya ng dalaga.
“Yes?” pormal na tanong nito.
“H-hi.” Tumikhim si Austin para alisin ang namuong bara sa kanyang lalamunan. Bakit ba bigla siyang
kinabahan? He was suddenly acting like a schoolboy in front of his crush! Get a grip of yourself,
McClennan, paalala niya sa sarili bago muling ngumiti. “Hindi mo na ba ako naaalala? Ako si Austin
McClennan, nagkakilala tayo sa Baron’s eleven nights ago. You were so drunk that you passed out.”
Right after you slapped me. “So I brought you to my house and then you...” Kissed me and slept on me
which gave me sleepless nights, you see. “Just left afterwards.”
“Oh,” para bang nasorpresa na sagot ng dalaga bago ngumiti.
Bumilis ang kanyang paghinga. Buong araw na masama ang timpla ni Austin. Nagkasunod-sunod ang
mga kinailangan niyang asikasuhin sa minahan ng pamilya. Nagkaproblema sa water system nila roon
na kakailanganin sa pagmimina. Ini-report niya pa iyon sa mga board members na siya ring mga
kapatid niya at kay Alejandro, ang nagmamay-ari ng twelve percent shares sa McClennan Corporation.
Si Austin lang ang solong nangangasiwa sa minahan, si Alano sa langis at si Ansel naman sa
electricity. Strict ang panganay na kapatid niya pagdating sa problema sa mga pinamamahalaan nilang
magkakapatid kaya kailangang nalalaman nito at ng iba pang board members ang mga nangyayari sa
ipinamana sa kanilang negosyo ng ama.
Pero sa oras na ngumiti ang estranghera, pakiramdam ni Austin ay bigla na lang umaliwalas ang lahat.
Nakadagdag sa hindi magandang mood niya ang frustration dahil hindi niya makita-kita ang dalaga.
Pero ngayon na nasa harap niya na ito, pakiramdam niya ay isa-isang nag-alisan ang kanyang mga
alalahanin. Kailangan niya ng ngiting iyon pagkatapos ng maghapong kapaguran sa trabaho. That’s
why he was glad that he had seen that smile just when he needed that smile the most.
“Ang ibig bang sabihin ng ngiti mo na `yan ay naaalala mo na ako?”
“Oo naman. How could I forget my enemy’s exact replica?” ganting-tanong ng dalaga.
Nagsalubong ang mga kilay ni Austin. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Biro lang.” Nagkibit-balikat ang estranghera. “Natatandaan ko na nabanggit ko sa `yo nang gabing
‘yon na kahawig mo ang ex ko.” Mayamaya ay lumitaw ang para bang nahihiyang ngiti sa mga labi
nito. “Pasensiya na nga pala kung umalis ako nang hindi man lang nakakapagpaalam sa `yo. Nahiya
kasi ako sa mga nangyari. I’ve caused you so many troubles that night. Kung may paraan para
makabawi ako sa `yo, babawi ako.”
Kumislap ang mga mata ni Austin. “Really?”
“Really.” Tumango pa ang dalaga.
“Well, there are a couple of things you can do. I mean, you’re right. You really did cause me troubles
that night.” Dahil wala na akong maayos na tulog simula nang makita kita. You had me searching for
you for more than a week now. Hindi ko na naaabutan ang Nat-Geo sa kahahanap sa `yo. Paulit-ulit
din akong bumalik sa bar sa pag-asang makikita ka kahit na sandali. I didn’t even know I could stand
being in that place for hours just waiting for you to show up. Pero iba sa iniisip ang lumabas sa bibig ni
Austin. “One, you can dine with me. May hinihintay ka ba?”
“Wala naman.”
Yes! “All right.” Inalalayan ni Austin sa siko si Maggy pabalik sa kanyang mesa. Ipinaghila niya ito ng
upuan. Nang parehong makaupo na ay pinakatitigan niya ang dalaga. “I haven’t gotten your name yet.” noveldrama
“I’m Maggy. Maggy De Lara.”
“Are you still single? Dating? Or...” Napahinto si Austin nang makita ang amusement na bumakas sa
anyo ng estrangherang Maggy pala ang pangalan. Nag-init ang mukha niya. Hindi niya pa nasubukan
ni minsan ang gumawa ng hakbang para kilalanin ang isang tao. Kaya hindi niya alam kung ano ang
mga tamang sabihin ngayon.
Sa mga ganoong pagkakataon ay hindi niya maiwasang hilingin na sana ay tulad siya ng mga
nakatatandang kapatid na sanay pakitunguhan ang mga babae. Heck, compared to his brothers, he
was indeed, a nerd. Bihira siyang lumabas at lalong bihira siyang makihalubilo sa tao. His form of
relaxation was reading or watching anything that involves the Earth’s structures and features. No
matter how he hated to admit it, he realized that he was proving to be a very boring man.
“Pasensiya ka na.” Napahawak si Austin sa kanyang batok. “Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong
bagay. But Maggy, I like you from the very first time we met,” matapat niyang sinabi. “Alam ko na
masyado pang maaga para dito pero alam ko rin na kung hindi ko sasabihin ang mga salitang ito
ngayon, baka hindi na ako magkaroon pa uli ng pagkakataon—”
“Austin, relax.” Bahagyang natawa si Maggy. “Yes, I’m still single. And no, I’m not dating anyone right
now. I told you, my ex and I just broke up—”
“I promise I won’t be a complication,” mabilis na sinabi ni Austin. “But I’m urging you to take a chance
on me. Hayaan mo sana akong mapalapit sa `yo. Hindi kita sasaktan o iiwan `di tulad ng ex mo—”
“Paano kung ikaw ang saktan ko in the process?”
Natigilan si Austin bago dahan-dahang ngumiti. “It’s a risk I have to take, then. As they say, no pain, no
gain.”
I think I’m going to need kuya Alano’s advice. Lots of them.
“IT’S our first date and you took me to your library.” Pigilan man ni Maggy ay gumuhit pa rin ang
naaaliw na ngiti sa kanyang mga labi. Sadyang naiiba pati ang estilo ni Austin mula sa mga lalaking
naka-date na niya.
Si Levi ay dinala siya sa isa sa pinakamarangyang restaurants sa Nevada noong una silang lumabas.
Kumpleto rin ang huli sa props. May dala itong mga bulaklak at tsokolate. Samantalang si Austin,
matapos siyang sunduin sa kanyang condo unit nang araw na iyon ay sarili lang ang dala.
Nawala ang ngiti ni Maggy sa naisip.
Her mind suddenly wandered back to Nevada, back to Levi. Ang huli ang nag-iisang lalaking
nakarelasyon niya. Dito lang siya sumugal. Wala talaga siyang balak pumasok pa sa isang relasyon
noon dahil ang buong atensiyon niya ay nakatutok pa sa paraan kung paano pababagsakin si Benedict
noon.
Marami pa siyang mga bagahe sa kanyang puso at alam ni Maggy na hindi niya pa kayang ibigay nang
buo ang sarili sa kahit na sino hangga’t hindi pa niya nakukuha ang hustisya para sa mga magulang.
Pero wala siyang nagawa nang kumatok sa puso niya si Levi.
Isang taon at dalawang buwan na silang hiwalay. Walong buwan ang naging relasyon nila. Nagkakilala
sila ni Levi nang minsang mag-check-in ang grupo ng doktor sa hotel na pinamamahalaan niya, isa
ang lalaki roon. Surgeon ito at nag-stop over sa hotel nila ang grupo ng mga ito nang masiraan nang
sasakyan papunta sa medical mission ng mga ito. Nakasabayan ni Maggy si Levi sa elevator noon,
nagkataong silang dalawa lang ang nasa loob niyon. Hindi na siya tinigilan nito sa una pa lang nilang
pagkikita.
She was smitten, too. Malakas ang dating ng doktor. He was not handsome, though. He was beautiful.
Papasang mukha ng babae ang mukha ni Levi. Sandali niyang nalilimutan ang kanyang nakaraan
tuwing kasama niya ang binata. Matiyaga siya nitong niligawan. Kahit tatlong oras ang layo ng ospital
na pinapasukan nito sa opisina niya sa hotel ay halos araw-araw pa rin siya nitong pinupuntahan.
Tinuruan ni Maggy ang lalaki noong managalog habang si Levi naman ay tinuruan ang puso niyang
magmahal dito. Sinagot niya ang binata pagkalipas ng mahigit dalawang buwan na panliligaw nito sa
kanya. The best days in her life happened when she was with him. Naging maayos at maganda ang
relasyon nila. Minahal niya si Levi at naramdaman niyang minahal din siya nito.
Everything was beautiful. Until the plan to destroy Benedict had to take place.
Nakiusap kay Maggy si Yalena na makipaghiwalay na muna pansamantala kay Levi para mas
mapagtuunan niya ng atensiyon ang kanilang plano. Mabigat man sa kalooban ay sinunod niya ang
kapatid. Dahil may punto naman ito. Mahalaga ang misyon nila at magiging distraction lang si Levi sa
kanya. Noong panahong iyon ay sinimulan na nila ang pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga
McClennan.
Alam ni Levi ang tungkol sa plano niya. Wala siyang inilihim dito. Kaya nasaktan ito nang husto nang
mas piliin niya ang paghihiganti kaysa rito. Mahal niya ang binata pero wala siyang mapagpipilian. Ano
man ang mangyari ay parating mangunguna sa priority niya ang pagbibigay katarungan sa nangyari sa
mga magulang. Dahil kahit may narating na siya, pakiramdam niya ay nakalubog pa rin siya sa putikan
hanggang nasa ibang lugar si Benedict, namumuhay nang masaya at masagana. Iyon ang rason kaya
pinakawalan niya si Levi.
Isang araw ay natuklasan na lang ni Maggy na ikakasal na ang lalaki. Isang nurse sa pinapasukan
nitong ospital ang maswerteng babae. Mahigit dalawang linggo na ang lumipas matapos ang kasal ni
Levi. At magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi na siya nasasaktan. Dahil sa sulok na
bahagi ng puso niya ay lihim siyang umasa na sana ay makayanan siyang hintayin ni Levi pero
kabaliktaran roon ang ginawa nito.
“Kuya Alano once told me that the best way a man can catch a woman was through showing her great
things about his self… in short, through impressing her.”
Nahinto sa pagbabalik-tanaw si Maggy nang marinig ang boses na iyon ni Austin. Bumalik ang tingin
niya sa binata.
Para bang nahihiyang ngumiti ito. “Pero ayokong magpa-impress sa `yo, Maggy. I just want to be me. I
just want to show you who I really am with a hope that you can somehow like what you see. Dahil ito
ang totoong ako.”
Para bang natetensiyon na naisuklay ng binata ang mga daliri sa buhok nito. “Ayokong magpa-impress
sa `yo dahil ayokong lokohin ang sarili ko habang kasama kita bukod sa baka hindi ko rin naman
mapanindigan `yon. Ito lang ako, Maggy…” Ikinumpas ni Austin ang mga kamay sa library sa loob
mismo ng mansiyon ng mga McClennan. “This is my favorite place and everything about this reflects
me. I’m just a typical guy. I was never great. I am far from that.”
Bigla ay hindi malaman ni Maggy ang sasabihin. Nakarehistro ang sincerity sa mga mata ni Austin.
And for one brief moment, warmth filled her chest. Goodness, he was truly an innocent man. Kahit
naturingang na kay Austin na ang lahat ay totoo ngang baguhan pa rin ito pagdating sa
pakikipagrelasyon. May bahagi sa kanya ang gustong mag-celebrate na sa kanya pinipili ng binatang
sumubok, tulad ng nasa plano niya.
Simula nang gabing magkita sila ni Austin sa restaurant tatlong araw na ang nakararaan ay hindi na ito
pumayag na hindi malaman kung saan siya nakatira. Ito ang naghatid sa kanya sa condo unit niya.
Kinuha rin nito ang contact number niya. Sa nakalipas na dalawang araw ay puro sa cell phone lang
sila nakakapag-usap dahil inasikaso daw nito ang problema sa minahan. And that morning, he just
showed on her doorstep. Maayos na raw ang lahat kaya sisimulan na rin daw nitong ayusin ang estado
nila. Liligawan umano siya ng binata.
The next thing she knew, he brought her to his mansion and took her at the library there.
Plano talaga ni Maggy ang magpahabol kay Austin lalo na at ilang beses niya nang napatunayan na
gusto siya nito. One of the things she had learned in business was to always keep the clients
interested. Dapat ay palaging may kakaibang pakulo para hindi lumipat sa iba ang kliyente. Iyon ang
ginagawa niya kay Austin. Because despite the latter’s nerdy ways, women, according to Radha’s
research, still cling to him. He was still a McClennan, after all.
Nang maikasal si Alano ay sina Austin at Ansel na lang ang kabilang sa listahan ng Most Eligible
Bachelors sa isang sikat na pambabaeng babasahin. Kung si Maggy ang hahabol sa binata ay
siguradong mawawala ang interes nito sa kanya, tulad ng kawalan nito ng interes sa mga humahabol
dito.
And Maggy always wanted to be different.
Iyon ang rason kung bakit pinalabas niya sa binata na kagagaling niya lang sa isang relasyon. Kahit pa
may halong katotohanan iyon. Dahil hindi pa rin siya tuluyang nakakabangon sa nangyari sa kanila ni
Levi. She wanted to see how far the nerd’s infatuation for her can go.
“Austin...”
“Hindi ako mahilig magbigay ng bulaklak, Maggy,” seryosong sinabi ni Austin. “Hindi sila nagtatagal.
Nalalanta rin sila kalaunan. I don’t give sweets, as well. They’re not healthy. What I want to give you is
something which guarantees to last, something that is also safe for your health.”
“What is it?” namamaos nang tanong ni Maggy. Gumuhit ang mapanuksong ngiti sa mga labi niya. May
kung anong bumubulong sa kanya na mag-e-enjoy siya sa munting laro nilang ito.
“Me. I assure you I’ll be safe for you, Maggy.”
Minsan pa ay nasorpresa siya. Tama si Austin, dapat ngang hindi ito magpa-impress sa isang babae.
Dahil mukhang hindi na nito kakailanganin pa iyon. She was impressed by his words much more, by
his sincerity.
Austin had his way with women, without actually being aware of it.
What do you think?
Total Responses: 0